Grabe, matagal-tagal na rin ako hindi nakapagblog. Well… eto na at aking pinost ang mga nakaraang mga pangyayari na gusto ko lang isama.
Wak ka na reklamo.
Hmmm…
Wala namang nangyari pala na nakakatuwa para inyong malaman…
So sasabihin ko nalang gusto kong sabihin..
Eto na…
Naka-seatbelt ka na ba?
Malapit na pasko
Malapit na matapos term namin
Hindi pa ako bayad sa tuition
Lagi na akong walang pera
Malapit na mawala text unlimited ko sa sun
Malapit na ako tamarin sa buhay ko
Malapit na akong magpapakalunod sa alak
Malapit na ako masawa sa mga pinag-gagagawa ko
Malapit na ako magsawa sa pagiging kalbo
Malapit na ako ma-initiate sa school
Malapit na ako makagulpi ng tao o artista sa school namin
Malapit ko nang sabihin yung line na “malapit na akong matapos sa walang kwentang post na binabasa nyo”
Malapit na akong pawisan kasi walang elektrikpan dito sa kwarto na to at tinatamad na akong kunin iyon
Malapit nang magbakasyon ulit
Malapit nang magbagong taon
Malapit nang mag pangako mga tao sa bagong taon na wala namang sinusunod
Malapit nang magdeny ang mga tao sa mga pinost ko at siguro iisipin nila na “hinde ah! Tinutupad ko yung mga pinapramis ko tuwing bagong taon!”
Ah ulul. Sinong niloko mo?
“Malapit na akong matapos sa walang kwentang post na binabasa nyo”
Sheeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeet!
Tapos na.
